ASK MANAY: WHAT IS SYSTEM LOSS AT ANO ANG EPEKTO NETO SA ATING KURYENTE?

 



What's up mga Vi! For today's ASK MANAY Series, we will talk about WHAT IS SYSTEM LOSSI think some of you encountered SYSTEM LOSS especially when we tackle about ELECTRICITY. So, let's do a quick dive on this. 

System loss refers to the difference between the total electricity supplied to a distribution system and the amount actually billed to consumers. In other words, ang SYSTEM LOSS ay parang bahagi ng kuryente na nasasayang o nawawala sa proseso ng paghahatid bago pa ito makarating sa consumer. 

MGA DAHILAN NG SYSTEM LOSS

1. TECHNICAL LOSSES 

Nawawala dahil sa natural na pagkawala ng enerhiya habang dumadaan sa mga kable, transformer at linya ng kuryente. 

2. NON-TECHNICAL LOSSES

Nawawala dahil sa illegal connections, electricity theft, meter tampering at mga billing irregularities.

Ang pagpasok ng MORE ELECTRIC POWER and POWER CORPORATION (MORE POWER) sa Iloilo City ay isa sa mga magandang halimbawa sa implementasyon ng isang effective system loss reduction. Sa loob ng kanilang limang taong operasyon, ang system loss sa ibang lugar ng Iloilo City ay bumaba mula 30% to 4.5%. Lahat ng eto ay naging posible dahil sa malaking capital investment, technical modernization at disiplinadong pamumuno.  


PAANO NAPABABA ANG SYSTEM LOSS?

Nagkaroon ng nga technical and non-technical interventions ang MORE POWER na naging daan upang mas mapabuti ang kanilang serbisyo. Ang MORE POWER ay nagkaroon ng substantial capital expenditures para ma-rehabilitate at ma-modernize ang ilang luma at nasisirang imprastraktura. Ilan sa mga naging hakbang ay ang pag-uprgade sa mga substaions, pag-rehabilitate sa mga feeder lines, pagpalit ng mga lumang poste at distribution transformers at ang pag-install ng modernong electric meters. Sa ganitong mga hakbang, nabawasan ang technical losses at nagkaroon ng maaasahang sistema. 

Ilan din sa mga interventions ng MORE POWER ay pag-address sa pagnanakaw ng kuryente at mga illegal connections. Ang naturang kumpanya ay naglunsad ng ANTI-JUMPER CAMPAIGN. Libo-libong mgaa lumabag sa batas ang nahuli kabilang ang mga opisyal ng barangay, business owners at maging mga konsehal ng lungsod. 





Nagkaroon din ng mga hakbang para magkaroon ng inclusive approach para i-convert ang mga illegal connections ng informal settlers patungo sa mga legal accounts. Ang requirements sa paag-apply ng kuryente ay nabawasan mula
12 documents to 4 documents na lamang. Eto ay mas pina-igting din sa kanilang house-to-house campaign sa kanilang nasasakupan.

Sa loob ng limang taong operasyon ng MORE POWER, tumaas ang bilang ng consumers mula 62,000 to 100,000. Isang magandang indikasyon ng paglawak ng customer base habang nababawasan ang non-technical losses.


ASK MANAY WRAP-UP

Sa tulong ng infrastructure modernization at inclusive enforcemenr measures ng technical and non-technical losses, bumaba ng tuluyan ang system loss na naayon sa allowable cap set by the Energy Regulatory Commission (ERC). Isang patunay na ang maayos na pamumuno at  investment ay daan para magkaroon ng maayos na power distribution. 

MORE POWER is a sister company of Ignite Power proposing to partner with SOCOTECO II to improve the electricity service in SOCCKSARGEN.  




Comments

Popular posts from this blog

My Experience With Maya Black Express And Why It Changed How I See Credit Cards

Invite Joy with the 2026 Starbucks Traditions Collection

Apple fans in GenSan celebrate first Power Mac Center store